excerpts from ABNKKBSNPLAKO
"May utak naman ako, pero pinili kong maging bobo…"
"Mangarap ka at abutin mo ‘to. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
– this is one of the best advice I’d read.. and i just want to share it to all of you..
————————————————————————————————-
truth:
Saan nga ba nauuwi ang maraming taon ng pag-aaral? Madaling isipin kung ano ang gamit ng pera, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ito ang maging sukatan ng tagumpay ng tao. Sa edad na 21 hanggang 60, nagtratrabaho tayo para magkapera. Sa edad na 5 hanggang 21, pumapasok tayo sa eskuwela para magkatrabaho. Mahihina pa ang katawan natin nung una tayong pumasok sa eskuwela. Mahihina na tayo pagkatapos nating magretiro sa trabaho. Lumalabas tayo ng bahay, papasikat pa lang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito. Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao. Kung pumasok tayo sa eskuwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng balang araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami and namamatay nang mangmang. Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume’ n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.
Ano nga ba ang talino? Nakasukat ba ‘to ng A, B, C, D, E, F ,1 2, 3, 5, P( Pass), F (Fail), 100%, 60%, 75%, O (Outstanding), S (Satisfactory), at NI (Needs Improvement)?
Sino ang matalino-ang Best in Spelling? Best in Math? First Honor? Valedictorian? Magna Cum Laude? Board Exam Topnotcher?
Sino ang bobo?
Ang Dyspraxia, Dysgraphia, Dysphasia, at Dyslexia ay mga learning disabilities: ang kakulanan sa kakayahang igalaw nang tama ang labi at dila para makapagsalita; kahirapan sa pag-control ng daliri para makapag-sulat; kakulangan sa kakayahang mag salita o umintindi sa sinasabi ng ibang tao; at kahirapan sa pag-intindi sa mga salitang nakasulat.
Pero sino nga ba ang learning disable, ‘yung mga hirap mag-aral o ‘yung mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na curropt government official bukod na masmasama ‘yung pangalawa? Matalino ba ‘yung professor na may Master’s Degree na nangwarta at nangmolestya sa mga estudyante n’ya sa isang eskuwelahan sa Maynila? Genius ba ang mga hacker at programmer ng mga computer virus?
Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskuwelahan na gawing 0 to 10% lang ang "Character" sa computation ng grades, mas mababa sa Periodical Test (20%), Project (30%), at Class Standing (40%) gayong Character ang humuhula sa tao, pamilya, bansa, mundo, at kasaysayan?
